Lumang bago ako dito sa work ko. Bakit lumang bago, kasi luma na ako sa opisinang ito, i previously worked for this company for 4 yrs, then umalis nang 2 yrs to look for other oportunidad, at balik na naman sa dating opis (isa syang Telecoms company na subcon nang mga Major carriers: Globe/Smart/Digitel etc..Nalipat ako sa Logistics, before sa Data Processing ako. Kaya matindi rin ang adjustment, kahit familiar na ako sa office set-up nang telecoms, iba pa rin ang transition na nararanasan ko. Yung mag tuturn-over sa akin na end of contract na kaya 2 days lang kami nagpasahan nang info. Grabe hanggang nagyon information over-load ang utak ko, kaya minsan natutulala ako.
Pagbalik ko sa dati kong opis, nalungkot talaga ako. Wala nang natira sa mga naging mga malapit kong kaibigan, ang iba ay nakipagsapalaran sa abroad at ang iba ay maganda na ang kalagayan sa ibang company. Iba nang grupo ang naabutan ko, natural panibagong pakikibagay. Ito rin ata ang isa sa dahilan bakit tinatamad akong pumasok. I am just hopeful na magiging masaya din ako sa mga bagong kaopismyt sa muli kong pagbabalik.
Pero sa ngayon, talaga naman na super busy ako. Grabe ang pressure sa work. Masyadong mataas ang expectations nang mga bossing na hapon. Actually inofferan akomg bumalik, pinahanap ako nang boss kong hapon para bumalik sa kanila, flattered naman ako. Kaya lang with pay & position comes the grabeng tonetoneladang problema pala, KAYA PALA maganda ang offer…hay gusto ko nang mag back out. Para akong tagawalis nang iniwanan na kalat nang iba.
My first week, gusto ko nang sumuko, pag uwi ko naiyak ako…ano ba ito kasubuan na ito ikako. Gusto ko nang mag QUIT, kasi talagang walang linaw akong nakikita, puro problema, under-manned pa. Tuwing pag-uwi ko depress ako. Naitanong ko sa sarili ko, may magagawa pa ba ako sa sabog na systemang aking dinatnan. Masyadong mabigat ang expectation nang mga boss ko, kakayanin ko kaya. Gusto ko nang sumuko, kaya lang naiisip ko, mahirap din naman maghanap nang work sa Pinas. Tuwing papasok ako mabigat ang mga paa ko, pero parati akong minomotivate nang asawa ko. Sa ngayon, gagawin ko itong isang malaking challenge. I hope that I can make a difference in this company, pinagkatiwalaan ako, kaya gagawin ko ang lahat nang aking makakaya. Yan ang lagi kong sinusuksok sa isip ko, kahit minsan I am thinking otherwise.
Ang hirap talaga nang namamasukan, oo nga at mas mahirap ang walang work, pero iba kasi ang pressure na dala nitong work ko kaya senti ako ngayon. Bakit naman kasi lahat na lang nang mapasukan kong trabaho eh puro pressured environment at stressful, lahat puro matindi sa time-motion, buti pa yung iba na nakahanap nang work na masaya sila talaga at nag eenjoy sila. Sabi ko na lang sa sarili ko, mag-iipon talaga kaming mag-asawa, pansimula namin sa paglalakad namin nang papel sa Australia, para magkasama-sama na kaming pamilya.
Sa ngayon, I’ll just do my best na maayos ang systema sa aking section…pero kung after doing my best at di talaga mag-improve dahil sa several circumstances/conditions saka ako susuko, at least di ko masasabing I am a Quitter, dahil ginawa ko ang best ko. Ayaw ko naman na ako pa ang magkasakit kakaisip sa problema nang companya.
Pacencya na kayo ha…nasa depress mode ako ngayon… Ayaw ko sanang magpakanega…kahit na ako ay negra hehehehe. Pero talagang depress-depressan lang ang lola nyo.









Miss mo lang siguro mga dati mong officemates at the same time nag aadjust ka syempre.Pag naging okey na lahat, back to normal na ulit. Malaking bagay din yung 2 hrs na bawas sa byahe mo…more time for your kids.
all i can say is good luck! hopefully maayos ang lahat at nang mabawasan ang pressure sa yo. cheers
Don’t worry, lilipas din yan. Hindi mo pa lang masyado gamay ang bagong trabaho..pero once makabuo ka ng sarili mong sistema eh pasasaan ba’t magiging magaang ang lahat!
btw, your from Caloocan? Saan? We used to live there.
ann,a uro, rhada,
salamat sa mga words of encouragement nyo.
Rhada,
i am from bagong barrio, nagschool me sa mcu at ue.
goodluck po sa work..
tama ka ate, sagabal talaga sa pagbo-bloga ng trabaho!!! hehehe..
ingatz!
naninibago ka lang siguro, you’ll be fine soon
hi…napadaan lang po,ganyan talga minsan ang work pero di ka siguro bibigyan ng ganyan kalaking responsibilidad kung di nila nakita na capable ka,basta do ur best…..
karmi, korak ka dyan
jenn, salamat sa pagpapalakas nang loob
hart2hart, thx sa pagdaan, nilink kita sa blog ko
cielo: UE Caloocan? Malapit lang sa ‘min yun…nilalakad ko lang yun dati no’ng maliit pa ako.
rhada, yup UE Caloocan, so taga may sangandaan area ka???
dont worry te ev, sa una lang yan. nakakapagblog ka pa nga. hehe! naninibago ka pa kasi. yaan mo baka after 1 month normal ka na uli..
goodluck!!!
Hi Cielo,
I like your views.
You are right..mahirap ang may boss. Kung pwede lang sana we can be our own boss.
Change is always difficult since it always come with challenge. Good that you have a + attitude. It takes awhile to get back to your comfort level. All the best na lang.
btw., your blog is an interesting read..I will mark it as favourite, pwede ka rin bang i-link sa blog ko?
hello po. sana maging okay na agad dyan sa work mo… kaya mo yan. baka naninibago ka lang ulit
Hi Cielo,
malapit sa Sangandaan, sa Torres Bugallon, malapit sa mababang paaralang A. Bonifacio, sa may PNR training center, malapit sa LaCo…in short sa 65 Geronimo St…hahahaha pati address sinabi na! lol
hi leah, thx for visiting my blog. nilink kita ha.
leah and lalaine, your words make me feels good. sana nga maging comfortable na ako at ok, para maenjoy ko na rin work ko
rhada, aba mapuntahan ka nga…..ngek andyan ka nga pala sa germany
si mama ko sa cityhall work eh, kaya very familiar ako sa area nyo..at tlg nagkwentuhan na noh, heheheh
para kong nagbasa ng blog ni pipay
….wala akong masasabi kundi good luck sa lumang bagong environment … nasa adjustment period ka pa lang kaya okey lang yan ..masama kung taon na lumipas ganyan pa rin ang situation …. masasanay ka rin and I hope may maging friends ka na kaagad diyan para hindi ka na deppressed deppresan