Vacation ni Honey Ko…April 27, 2007

Sa bawat pamilyang OFW o’ mga balikbayan, napakasaya nang pagbabakasyon. At hindi iba ang aming pamilya sa kanila, kabilang kami sa libo-libong pamilyang ofw. Mapalad na nga daw kaming matatawag dahil taunan ang uwi ng aking mahal na asawa. May mga ofw na 2 to 3 years bago makauwi para magbakasyon at makapiling ang kanilang mahal sa buhay.

April 27 (Biernes) ang schedule na dating ng aking si Allan. Hindi ko na nga sya masusundo sa airport dahil di naman ako maka absent sa office, weeks pa lang kasi akong employed sa new work ko, kaya mag-isa lang syang uuwi.

Isang buwan ang nakalaan na bakasyon nya. Since last week ay nililista ko na ang magiging activities namin, para kako sa ganung paraan ay maging productive ang kanyang vacation. Productive ba ikako??? Eh kaso nga, mukhang kulang ang isang buwan sa mga activities na nakalaan para sa kanya. (Swimming, enchanted kingdom, trip sa baguio at manaoag, bisita sa mga kamag-anak, watch nang spiderman3 (extra special ito dahil 1st time magwatch ng sine ni icko, my bunsoy), pag-aasikaso sa OZ application namin, tripping sa mga subdivisions at condo, party with my pamangkin-Miggy, visit his officemate sa indophil, visita sa kanilang mga kamag-anakan at tribu hehhehe, etc, etc). Nung sinabi ko sa kanya ang line-up ng activities nya, ang sabi lang nya “Ha, ok, andami ha”. Pero feeling ko iniisip nya kung kakailanganin nya ang bato ni Darna.

Nang makaunat-unat si hubby narealize nya na di pala sya si superman, sabi nya sa akin…”Hon, yung mga nilista mong activities andami eh, mukhang di kakasya ang 1 month ko…..ipraprioritize ko muna ang bonding moments ko sa inyo nang mga bata at ang application natin sa OZ. Mas mahalaga ang mga bata at ikaw, yun bang kahit simpleng pagpanuod lang ng sine at swimming, meaningful yun kasi 1st time ni icko, malling at baguio trip, kasi 1st time din ni ishi at ickoy. Ok ba sa iyo yun”

Syempre ok na ok sa akin yun….masaya akong malaman at marinig muli…paulit ulit ulit na kami ang priority sa buhay nya. Actually alam ko naman yun eh, dahil hindi naman sya aalis papuntang Saudi, hindi siya aalis at titiisin ang sobrang init at homesickness sa banyagang lugar kung hindi nya kami sobrang mahal. Kaya lang paminsan minsan masarap marinig, paulit ulit ulit , nakakakilig kasi eh…..hehehheh.

Kaya sa April 27….pagdating na si Papa, mananahimik marahil ako for a while, para iprioritize din ang aming bonding moments with the family.

…Habang andito sya pasingit singit muna ang aking blog hopping at posting. Pagnaka-alis na ulit si hubby back to Saudi….si Cielo back to blogging na naman. Madami akong maishashare sa inyo. Ikwenkwento ko sa inyo ang mga naging kaganapan sa buhay ni Brown Pinay at ang bakasyon nang aking OFW honey kasama ang aming mga kids.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

10 Responses to Vacation ni Honey Ko…April 27, 2007

  1. sexy mom says:

    hi, Cielo
    firt of all, salamat sa pagdalaw sa aking D Spot. It always gives me joy to find a new name there. dalaw ka ulit ha?

    while reading your post, i can’t help it but be touched! ang swerte mo at ni ishi at icko–mukhang mahal na mahal kayo ni Honey. and yes, simple pleasures nga na maituturing ang movies at malling at EK, pero bonding moments with family mean a lot! sayang nga, may work ka, pero i know, you will be able to give honey quality time.

    madaming mga ofw families who are not as lucky as you. madaming many years bago magkita, pag minsan nga hindi na nagkikita, because of the social problems that may arise because of separation. many families re fragmented. i noticed nga you have this pending application. good luck–the essence of family is being together.

    do continue to serve as an inspiration to others through your blog. God bless!

    PS: i like your blog design and all those nice and cutie things

  2. malaya says:

    Wow, Mmy Cielo ilang araw na lang darating na ang iyong hubby!
    I’m sure ang saya-saya n’yo lalo na ang mga bata sa Friday dahil makakasama na nila ang kanilang daddy.
    Take your time and enjoy!

    ***
    Nakakatuwa naman ang dami ng activities na nailista mo pero mas nakakakilig ang naging punto de bista ng iyong Papa.
    Gob Bless you and ur family!

  3. Cielo says:

    hi sexy mom,

    its my pleasure na napadaan kayo sa aking blog…coz i for one really enjoy reading ur post…i found it very informative.

    yes, despite of our situation na magkakalayo us….maswerte pa rin kami coz we have yearly vacation to spend together, while for some ofw, 3 years straight before they’ll be back for a vacation.

    thx for visiting me

  4. Cielo says:

    hi karen (malaya);

    natutuwa nga ako at napakilig ako ni hubby…hehhehehe, pero sinadya ko yung madami syang activities para mawindang sa amin na lang sya hehehheheh joke joke joke

    god bless u too, always wear a smile ang be happy

  5. HiPnCooLMoMMa says:

    abangan ko nalang mga kwento mo, meantime enjoy and make the most out of your honey’s vacation.

    have a good time =)

  6. ann says:

    Uyy! Pabakasyon pala si Allan. Mag ready ka na at one year pala sya na nawalay sa inyo.

    Wala na ba kayong balak ituloy yung family status nyo rito?

  7. febeth says:

    I like your cutesy design. I also used to be an OFW wife. Kaya lang after 5 years me and my husband both decided we have to be together and so we joined him here in SIngapore. Now complete na kami.

    Mahirap na masarap ng buhay sa ibang bansa but wherever you are maganda ang magkakasama kayo. I hope in the future mister can bring you with him sa trabaho nya.

  8. ev says:

    talagang di madali ang malayo sa minamahal…kung sanay kaya lang natin silang pigilan…pero kelangan dahil kinabukasan ng pamilya ang iniisip.

    cheer up!Godbless…

  9. alynn says:

    dont forget to post some pics ha…;)

  10. rHo says:

    i’m sure sa mga oras na ito e bonding moments kayong buong family!! sige.. i-enjoy nyo lang habang andyan si honey mo sa pinas!!

    hintayin ko ang iyong kwento… :)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge

This site uses KeywordLuv. Enter YourName@YourKeywords in the Name field to take advantage.

Notify me of followup comments via e-mail. You can also subscribe without commenting.

[+] Zaazu Emoticons Zaazu.com