Simula na naman ng tag-init dito sa malangis na bansa ng Saudi, humid weather kung ituring. Tuwing alas sais ng umaga ang temperature ay umaabot ng 30 to 35 degrees centigrade at kung minsan naman pag minalas-malas ay umaabot pa ito ng 40 to 45 degrees.
Matapos kong ayusin ang aking sarili ay tuloy na ang aking pagbaba mula sa flat. Villa ang tawag sa mga tirahin ng kagaya kong OFW dito sa Saudi. Building style na condo sya na may mga flats. Hiwalay ang mga babae sa lalake at maging ang mga may pamilya na ay nakabukod.
Dito sa Saudi ay may tindahan din naman sa ibaba ng aming flat. Pwede din ang utang.Suki na kami duon, suki sa utang hehehee (mga Indiano ang may-ari duon). Duon ako kumukuha ng aking pang umagahan ko na utang kasama na ang load na pangtawag sa mahal sa buhay sa Pinas. Sa sweldo namin babayaran ang nautang naming dun sa tindahan, ikanga ang araw ng pagtutuos.

Matapos ang agahan na pareparehas lang naman, (nakakamiss ang luto ng asawa o ng mga nanay). Darating na ang Arabo naming driver para kami ay ihatid sa aming planta. Mahaba habang lakbayin dahil kailangan pa naming daanan ang iba pa naming mga kasamahan, iba’t ibang lahi na nagtratrabaho din sa aming company (meron Sudanese, meron Syrian , meron Egyptian , meron Indian). Imagine yan ang mga kasama ko sa work ko iba’t ibang kultura iba’t ibang ugali meron. Kaya minsan hinde maiwasan na hinde magkaunawaan sa trabaho. Patience yan ang dapat na baon mo sa maleta mo pagpunta dito
Tantya ko ang takbo ng aming service papuntang planta 40 minutes, 100 to 120 ang takbo kasama na traffic dyan sa dammam area. 45 kilometers ang layo from villa to the planta. Buti pa ang byahe namin tantyado ko, ang buhay naming mga OFW mahirap tantyahin.
Then sa work , may itinatayo kami na bagong planta , iba’t ibang lahi din ang iyong mamataan. Maganda pag may baging stractura dito, ibig sabihin madaming Pinoy ang mabibigyan ng trabaho. Pero sabi nga nila, saan mang panig ng mundo may Pilipino. May nakilala akong mga Pinoy sa construction. Nakikita ko ang hirap na ginagawa nila para maitayo ng maayos yung planta. Madaming mga Pinoy sa construction nasa gitna ng init ng araw ang kanilang trabaho. Hinde alintana ang mainit na kapaligiran. Sa likod ng aking isipan ay sumiksik ang isang tanong, alam kaya ng kanilang mga anak at asawa ang hirap nila. Pinapahalagaan kaya nila ang bawat dolyares na pinapadala ng kanilang ama na halos butil na ng dugo ang pinapawis at puhunan sa malangis na bansang ito. Sana naman, sana.
Hay buhay, hindi biro ang mawalay sa mahal sa buhay. Walang kasing haba ang mga araw na nagdaraan, para kang preso na walang mga dingding ang kulungan. Hinde ganun kadali ang buhay dito sa Saudi. Hinde lahat ay maswerte. Sabi nga may inaalat, may sineswerte. May nakakakuha ng family status, may nakakpagbakasyon ng taunan gaya ko at meron din naming 2 taon pa bago makauwi para magbakasyon at makapiling ang kanilang pamilya.
Ilan lamang ito sa aking mga karanasan dito sa lugar na ito , kaya ako ay nananawagan sa mga kababayan natin na nasa pinas na sana eh pagpahalagahan nila ang pera na ipinapadala ng ating mga kababayan na nag tatrabaho bilang OFW. Kung alam lang nila ang hirap na dinadanas ng kanilang mga mahal sa buhay dito eh marahil eh mamahalin nila kung anong meron man ang ipinadala nila sa kanila. GISING PAMILYANG OFW….
Image Credits
- ofw-bagongbayani.com
- Editorial Cartoon: ni Kendrick Bautista
- http://www.poea.gov.ph/
= = = = = =










Huy mahal, parinig ba yan sa amin hehehhe.
but seriously, dont worry lahat ng paghihirap mo ay di mapupunta sa wala.
Pangako, hindi kami mabubuhay ng mga anak mo sa iang waldas na pamamaraan
Thank you both for sharing this. I can only imagine how hard it must be for families to be apart from each other.
Ang sarap pakinggan ang salitang mahal sa isang nagmamahal at minamaha. congrats…
Gosh….nakakaiyak naman..kasi naranasan ko rin magtrabaho sa ibang bansa at mamuhay mag-isa…Bilib ako sa iyo kuya Alan…Don’t worry, lahat ng sacrifices nyo ni ate cielo(nyaks ate raw ooo…hehehe)ay may magandang kapalit kasi marami kaming nagdadasal nyan! Inggit ako kay Brown pinay..kasi lovesidoodle talaga sya ni kuya alan…haaaayyy….
i stumbled in your blog and read about the parenting 101 topics…
i admire and salute ate cielo and kuya allan for this blog.
buti nalang hi-tech na tau.
like kuya allan, OFW din ako d2 sa UAE so i felt every statement he wrote (yugto 1 palang nababasa ko a) although mejo open d2.
so kudos! to this couple and thanks for sharing infos through your blog.
thanks for the comment…Pilipinas umasenso ka!