Follow Brown Pinay
Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Birthday KO Ngayon

Yup, yup Birthday ko ngayon and I have every reason to be thankful and happy. 37 years old na ako, parang kailan lang pero ang state of mind ko naiwan na sa 25 hehehhe. It is not that I refuse to grow old, it is just that I want to be always young at heart.

Andaming answered prayers, salamat na marami kay Bro. Alam mo na yun Bro kung ano ang mga yun. Sana tuloy tuloy ang aking lucky and happy streak.

At 37, I can say that I am complete. My husband and two bundle of joy (Ishi and Icko) makes me complete. Parang sila ang centrum ng buhay ko heheheh.

My memory is already lagging at times (early signs of aging huh due to my 2 CS operation perhaps) but nonetheless kalabaw lang ang tumatanda and since Dyosa ako wala kong problema dyan hehehhe.

Katagal kong di nagblog ng ganito...yung tipo bang kahit na puro hehhehe lang ang isulat ko solve na. At dahil birthday ko ngayon, minarapat kong magsulat ng kahit ano lang...basta kahit na anong pumasok sa isip ko.

Bago ako umupo at tumeklado sa keyboard blanko ang isipin ko. Birthday ko ngayon, eh ano ngayon. Pero nung tumitipa na ako, isa lang ang nasa focus ko...Birthday ko ngayon at gusto ko happy ito.

Madaming babati, salamat sa inyo...sa magreregalo aba mas salamat sa iyo. Sa makaka alala at magbebelated masaya ako na naalala nyo ako.

Birthday KO ngayon, 37 na ako, 36 ako kahapon at 38 ako next year. Hay buhay parang life. Basta ang importante mahalaga. Makulit ba??? Hayaan mo na birthday ko naman ngayon.

Your greetings is good but I need.......................................CASH???? Wala kong sinabi na ganyan ha...Joke lang....Pero kung totohanin mo iPM ko sa inyo ang bank account ko hehehhehe.


Since birthday ko ngayon, feeling ko nanalo ako sa Famas at ito ang aking thank you spiel. Hayaan nyong maging national thank you day ko today.

Sa mga kaibigan ko, ilang beses na ba tayong nagkanda kabag kakatawa, mga kaututang dila kung tawagin....may kasabihan nga tayo baliw of the same feather flocks together. Let us continue to make good laughter and jokes together. Patuloy natin patunayan ang buhay may drama man, masaya pa din.

Sa aking mga kapatid, salamat sa lahat. Kahit na madalas ako ang finofrontline nyo pag may mga pang stand up comedy na okasyon. Salamat sa pagpapadama na bida din pala ako...sa pagpapalakpak ng malakas tuwing tinutulak nyo akong kumanta ng aking national anthem na Zombie at Ulan sa harap ng madaming tao para lang may representative ang pamilya natin hehehhe.

Sa aking magulang, salamat po...sana wag na kayon mag-away...may edad na po para sa lovers quarrel. Enjoy nyo na lang po ang life...Balato nyo na po sa birthday ko....kahit isang araw ceasefire muna....

Sa aking mga pamangkin, salamat for making me feel na cool tita ako....

Sa aking Ishi at Icko, salamat for making me Complete. For being an inspiration. Luv na luv ko kayo. Salamat sa mga halik at yakap na talaga namang gustong gusto ko.

Sa aking lovidoods, mahal, salamat sa 3 years na pinadama mong na maganda ako (mag-BF tayo nyan) at 16 years na pinadama mo din na maganda ako kahit na hindi pala hehehhe. Kaso mo naniwala ako eh belat at patuloy na naniniwala na maganda ako inside and out. Imagine that 19 years of togetherness saan ka pa. Sana wag mabasag ang helmet mo hahahha.

Sarap mabuhay sa mundong ito...masayang pamilya, masayang buhay ano pang hahanapin ko...Aba wala na kaya thank you sa IYO Bro....Hindi mo ako iniwan sa laban ng buhay ko. Hindi man ako sa Aling Dionisia na matinding magdasal tuwing laban ni Pacman, pinapakinggan mo pa din ang mga munting bulong ko. Salamat ha Papa Jesus. Salamat sa buhay na binigay mo sa akin...simple pero rock....



= = = = = =
brown pinay

12 comments:

allan said...

Hi laiski,

You know I love you
And you must know too
That my happiest moments
Are those spent with you
For when we're together
Or when we're apart
You're first in my thoughts
And first in my heart.

Happy birthday honey,you could never guess how much happiness you've brought my way,i want to grow old with you and spent the rest of my life loving you,i love you very much...again happy birthday...

Allan

Brown Pinay said...

salamat mahal kasarap naman e...ayan nilalanggam na tayo hehhehe.....

but joking aside...i do appreciate the love

Jane said...

Happy birthday Ma'am Cielo.. :) may u have more blessings to come. :)
Janey

onlinemommy said...

Maligayang Kaarawan

Iris said...

Mare, super mega duper happy birthday! We may not see each other often but I know na alam mo na...

ISA RIN AKONG DIYOSA SA MUNDO MO!

bwahahahahhahahahah!

jhe said...

hayyyyzzzz, walang kang kupas kapatid! HAPPY BIRTHDAY!

Jerick (the former Curbside Puppet) said...

naku po, tamang-tama. new blog reader po ako. happy birthday po!

Add Topic said...

Belated Happy Birthday po!

Add Topic™



Kindly visit my other blogs aswell:


Technochase


E-Pera™

Phoebe said...

hi ate cielo! HAPPY HAPPY BIRTHDAY! Galing naman ng post...natatawa n lang ako dito...hehehe... :)

fortuitous faery said...

belated happy birthday! :)

Pearl said...

Belated Happy birthday sis! May you continue to receive the blessings that you so deserve! God Bless You always!

walkw/me said...

Hello, it's my first time visit here.I just want to greet you a belated Happy Birthday.

Wish you all the best in life.

Post a Comment

Thanks for dropping by and reading my post. I would appreciate it even more if you will leave your two cents here, or just a simple note that you are here.

I always treasure you, my blogging friends, whom I always regard to as "My Friends From a Distance
For off-topic messages , you may leave a note in my shoutbox.

For exchange links, please drop a note here

Again, many thanks for the visit and your precious time

Blog Widget by LinkWithin